Monday, March 17, 2008

I.Introduksyon


Ang pagaaral na ito ay tungkol sa pananaw ng ilang mga pang-umagang estudyante sa ika-unang taon ng Kolehiyo Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, taong 2007-2008 ukol sa pagsusuot ng uniporme sa paaralan. Nais malaman ng mga mananaliksik kung ano ang nilalaman ng isipan ng mga sumusunod na estudyante kung sumasang-ayon ba sila sa pagsusuot nito. Napili ng mga manananaliksik ang paksang ito dahil narin sa umuusbong na mga bali-balita tungkol sa pagpapalit ng uniporme sa Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang lumalaking malasakit ng mga estudyante sa kanilang uniporme ang nag udyok sa mga mananaliksik upang malaman narin ang tunay na saloobin nila ukol sa nasabing problema. Mayroong pinapakalat sa kasalukuyan ang mga opisyal ng student council ng Kolehiyo na isang "signature campaign" na nanghihikayat palitan ang kasalukuyang uniporme. Halos lahat ay sumang-ayon at pumirma ngunit maaaring hindi nito isinasaad ang tunay na pananaw ng mga estudyante.

Sinubukang maghanap ng mga mananaliksik kung mayroon na bang naunang pag-aaral ukol sa pagsusuot ng uniporme o di naman kaya ay isang pag-aaral na maaaring sumuporta sa pananaliksik na ito. Ngunit, walang makita na pag aaral na kaugnay sa paksang ito.

A.Layunin

Mayroon mga layunin ang pagaaral na nais matupad. Una ay ang maipahayag ang mga opinyon ng mga estudyante tungkol sa pagsusuot ng uniporme sa pagpasok sa paaralan. Ikalawa ay ang makita kung sang-ayon o di sang-ayon sa pagsusuot ng uniporme ang mga estudyante. At ang pinaka huli ay ang malaman kung ano ang kahalagahan ng pagsusuot ng uniporme sa kolehiyo.

B.Halaga

Mahalaga para sa mga mananaliksik ang napili nilang paksa dahil makakatulong ang pag-aaral para narin sa kapwa mga estudyante ng mga mananaliksik. Ito ay maaaring maging daan upang malaman nga karamihan ang saloobin ng mga estudyante ukol sa pagususuot ng uniporme o kahit upang maipaalam nila ang tunay na saloobin sa ginagawang kampanya ng student council na magpalit ng kasalukuyang uniporme.

Makakatulong ito sa pagdagdag impormasyon sa kahalagahan ng pagsusuot ng isang uniporme sa unibersidad. Dito makikita ang kabutihan at di kagandahang naidudulot ng pagsusuot ng uniporme. Mailalahad dito ang mga epekto nito sa mga estudyante at pati narin sa katayuan ng paaralan na nagpapatupad ng mga batas ukol sa pagsusuot ng uniporme.

C.Teoretikal na Balangkas


I. Introduksyon
II. Mga Patakaran sa Unibersidad
A. Kolehiyo ng Komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas
B. Mga Estudyante
III. Pagsuot ng Uniporme
A. Deskripsyon ng Uniporme
B. Kahalagahan
IV. Paglalahad ng Datos
A. Mga Pag-aaral
1. Panayam
2. Sarbey( dalawampu bawat Seksyon)
a. Seksyon Aam
b. Seksyon Bam
c. Seksyon Cam
d. Seksyon Dam
e. Seksyon Jam
B. Pag-aanalisa at pagsusuri
V. Buod ng Pananaliksik
VI. Napatunayan o Konklusyon





D.Metodolohiya

Ang ginamit na pamamaraan ng mga mananaliksik ay ang pagbibigay ng serbey sa limang napiling silid aralan ng Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sila ay kumuha ng dalawampung estudyante sa bawat silid upang sumagot sa pinakalat na serbey. Isa pang pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik ay ang pag papanayam ng estudyante na nakakabilang sa mga silid na pinaglaanan ng pag-aaral.

E.Saklaw / Delimitasyon

Ang pag-aaral na ginawa ay nakapaloob lamang sa mga estudyante ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, taong 2007-2008. Ang mga mag-aaral na nasa ika-unang taon lamang ang naging pokus ng pag-aaral. Ang mga estudyante na nasa 1-Aam, 1-Bam, 1-Cam, 1-Dam, at 1-Jam ang mga tumugon sa serbey na pinakalat. Kumuha lamang ng tig-20 na tao sa bawat silid upang makakuha ng resultang 10% na tiyak.

Ang pag-aaral ay nais sana na gawing saklaw ang buong populasyon ng Kolehiyo ng Komersyo, ngunit dahil sa kakulangan ng oras at sa kalakihan ng populasyon, hindi na maaaring gawin ng mga mananaliksik ang kanilang ninanais.

Mga kaugnay na Rebyu/Pag-aaral

Dahil nahirapan maghanap ang mga mananaliksik ng mga naunang pag-aaral na kaugnay sa nasabing paksa, sila ay naghanap na lamang ng mga artikulo na umiikot ang usapin sa pagsusuot ng uniporme. Hindi kailangan na ito ay nasa Pilipinas, basta ito ay makasusuporta sa paksa ay ginamit nila itong gabay. Isa na dito ang patakaran sa Notre Dame University of Marbel.

"School Uniform”(isinalin sa Filipino)

Uniporme sa Eskwela

Ang mga estudyante ay kinakailangan magsuot ng kaukulang unipormesa lahat ng araw na may pasok maliban lamang sa araw ng Martes.


Ang kaukulang uniporme sa mga kababaihan ay:


  • Puting blusa na may kasamang kurbata
  • “Checkered” na palda; at
  • Sapatos na kulay Itim, asul o kayumangi at may takong na ang taas ay kalahating pulgada o higit pa.
Ang kaukulang uniporme sa mga Kalalakihan ay:


  • Puting polo o puting kamisadentro na may kuwelyo
  • Pantalon; at
  • Sapatos
Ang mga estudyanteng hindi naka-uniporme ay hindi makakapasok sa kanyang klase. Bagamat ang araw ng Martes ay ang araw ng “free-uniform day”, ipinaalala pa rin ng eskwelahan na dapat desente at maayos ang mga damit at itsura ng bawat estudyante.

Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal:


  • "Sleeveless" o mga damit na walang manngas
  • Damit na may “graffiti”
  • Pantalon at Slacks sa babae
  • Mga biting blusa at mga spaghetti straps
  • Bakya, tsinelas o sandal
  • Mga damit na “see-through”
  • Maiikling paldaPantalong butas butas
  • Anumang damit na nakakabastos sa kapwa estudyante,mga guro at sa administrasyon ng eskwelahan

Nalaman ng mga mananaliksik na hindi lamang sa Pilipinas ang mayroong mga Unibersidad na kinakailangan o pinapatupad ang isang batas ukol sa pagsusuot ng uniporme. Nais ng mga mananaliksik na makagawa ng isang pag-aaral na tumatalakay sa pagsusuot ng uniporme sa isang Unibersidad sa Pilipinas.


II. Patakaran sa Unibersidad ukol sa Uniporme

A. kolehiyo ng komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas

Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng isang dokumento mula sa opisina ng komersyo ukol sa patakaran sa pagsusuot ng uniporme. Ito ay nilagdaan ng gumaganap na rehente, Rev. Fr. Lucio P. Gutierrez, O.P, at ng gumaganap na dekano, Ma. Socorro P. Calara, Ph.D. at naging mabisa noong ika-14 ng Agosto taon dalawang libo’t anim.


“College of Commerce Guidelines on Uniform and Dress Code” (isinalin sa Filipino)

Gabay sa pagsuot ng uniporme at tamang pananamit nito sa Kolehiyo ng Komersyo

1. Ang lahat ng estudyante sa kolehiyo ng komersyo ay kinakailangang magsuot ng kaukulang uniporme sa pagpasok lalo na sa loob ng St. Raymund Building. Ang pagsuot ng sibilyan ay hindi pinapayagan maliban lamang kung iniutos o pinayagan sa isang kasulatan ng administrasyon ng eskwela.

2. Ang kaukulang uniporme para sa lalaking estudyante:


  • Ang ID ng unibersidad ay dapat nakasuot ng maayos sa lahat ng oras sa loob ng Unibersidad
  • Puting polo na barong, itim na pantalon, at itim na sapatos
  • Ang lahat ng botones ng polo ay dapat nakasara maliban sa pinaka-una.
  • Ang pang-ilalim na puting damit ay hindi dapat makikita na lumalampas sa polo
  • Ang pantalon o anumang uri nito ay hindi pinapayagan
3. Ang kaukulang uniporme para sa babae:


  • Ang ID ng unibersidad ay dapat nakasuot ng maayos sa lahat ng oras sa loob ng Unibersidad
  • Ini-atas na puting palda at blusa, itim na sapatos
Ang unibersidad ng Santo Tomas ay may mga kaukulang parusa sa bawatmaling pagsuot at hindi pagsuot ng uniporme. Ang bawat pagkakasala o pagsuway ay may nararapat na parusa, lalong lumulubha ang kaparusahan sa mga susunod pang pagsuway. Ang pinakahuli at pinakamalubhang parusa ay hanggang apat lamang. Ang pang-apat na ulit ng pagkakasala ay may parusang mapaalis sa Unibersidad.

B. Mga Estudyante

Ang mga estudyante na nag-aaral sa mga ganitong unibersidad, may nakatakdang uniporme, ay dapat sumunod sa patakarang ito. Nang pinili at magpalista ang mga estudyante sa Unibersidad na kanilang napupusuan, nalalaman nila ang mga patakaran dito, isa na ang pagsuot ng uniporme, kaya't sila ay nangangahulugang pumayag at sumang-ayon sa patakarang ito.


III. Uniporme sa Unibersidad


A. Deskripsyon ng Uniporme

Ito ay isang nakatakdang kasuotan na may kaugnayan sa isang trabaho o Gawain ng isang tao. Tulad na lamang ng isang guro, estudyante, at iba pang mga klase ng trabaho.


E.Kahalagahan ng Uniporme

Ayon sa aming mga nakahungang datos mula sa mga sarbey: ang uniporme ay sumasalamin sa imahe ng isang unibersidad. Ito ay nag papakita ng pagkakakilanlan. Ito ay mahalaga dahil ito ay nag papakita ng isang organisadong Unibersidad. Dahil ito ay may malaking epekto sa imahe ng ating Unibersidad, dapat nating gawing maayos at organisado ang ating sarili, at ito ay sa pamamagitan ng pagtatakda ng isang Uniporme.


IV. Paglalahad ng mga Datos

A. Mga Pag-aaral

1. Panayam

*Mga impormasyon na aming nakalap sa pamamagitan ng panayam sa iba't ibang mag-aaral ng UST.

Philip: Ano sa tingin ang mas maganda? Ang may nakatakdang uniporme o wala?
Inah dela Paz: Meron, para hindi maaksaya sa damit.
Philip: ano ang kahalagahan nito sa isang unibersidad?
Inah dela Paz: Identity, un lng.


Philip: ano po sa tingin niyo mas maganda? Ang may Uniporme o Wala?
Thea dela Paz: Wala, kasi nakakainis pare-pareho kami ng suot, and syempre maganda ung komportable sa suot mo.


Philip: ano po sa tingin niyo mas maganda? Ang may Uniporme o Wala?
April Makiramdam: Meron, para maganda tignan.
Philip: ano ang kahalagahan nito sa isang unibersidad?
April Makiramdam: ahhhmmmmm….. sa tingin ko ay ung identity.


Philip: ano po sa tingin niyo mas maganda? Ang may Uniporme o Wala?
Eroll Barao: Syempre meron, para organisado ang unibersidad. Naka bukod ang mga student depende sa course nila.
Philip: ano ang kahalagahan nito sa isang unibersidad?
Eroll Barao: ung sinabi ko kanina, pra malaman natin ang course ng isang student depende sa suot nilang uniporme.


Philip: ano po sa tingin niyo mas maganda? Ang may Uniporme o Wala?
James Bello: May uniform syempre, para malaman na pumapasok ka sa school, at malaman na ikaw ay isang studyante

*Mapapansin natin na apat(4) laban sa isa(1) ang sumasangayon na mag karoon ng nakatakdang uniporme. Ang aming konklusyon ay, marami sa kabataan ngayon ang mas komportable sa pagkakaroon ng uniporme.

2. Sarbey

*Mga tugon ng mga estudyante kung mayron o walang uniporme sa Unibersidad

Mga seksyon

May uniporme

Walang uniporme

Kabuuang bilang

Seksyon A-am

IIIII-IIIII-IIII

IIIII-I

20

Seksyon B-am

IIIII-IIIII-IIIII-IIIII


20

Seksyon D-am

IIIII-IIIII-III

IIIII-II

20

Seksyon J-am

IIIII-IIIII-IIIII-I

IIII

20

Seksyon C-am

IIIII-IIIII-IIIII-IIII

I

20

Kabuuang bilang:

82

18

100


*Mga tugon ng mga estudyante kung may epekto o wala ang pagkakaroon ng uniporme sa Unibersidad


Mga seksyon

May epekto

Walang epekto

Kabuuang bilang

Seksyon A-am

IIIII-IIIII-IIIII-IIII

I

20

Seksyon B-am

IIIII-IIIII-IIIII-IIIII


20

Seksyon D-am

IIIII-IIIII-IIIII-IIIII


20

Seksyon J-am

IIIII-IIIII-IIIII-III

II

20

Seksyon C-am

IIIII-IIIII-IIIII-III

II

20

Kabuuang bilang:

95

5

100


*Mga dahilan at kahalagahan ng pagkakaroon ng uniporme sa unibersidad ayon sa mga estudyante.

Mga seksyon

Pormal

Moral

Disiplina

Pagkakaisa

Seksyon A-am

IIII


II

I

Seksyon B-am

III

I


III

Seksyon D-am




III

Seksyon J-am

IIIII


IIII

IIIII

Seksyon C-am

II


I

I

Kabuuang bilang

14

1

7

13





Mga seksyon

Pagkaka- kilanlan

Kagalang- galang

Kaligta-

san

Pantay- pantay

Seksyon A-am

IIII


II

II

Seksyon B-am

IIIII-IIIII-III

I


II

Seksyon D-am

IIIII-IIIII-III


III


Seksyon J-am

IIIII-IIIII-II

I



Seksyon C-am

IIIII-IIIII-III


I

I

Kabuuang bilang

52

2

6

5






Mga seksyon

Kakaiba

Karangalan

Pagkakapare- pareho

Seksyon A-am

I


III

Seksyon B-am

I



Seksyon D-am


III


Seksyon J-am




Seksyon C-am

I


I

Kabuuang bilang

3

3

4





Mga seksyon

Kaayusan

Makatipid

Walang kahalagahan

Seksyon A-am

III

I

II

Seksyon B-am

II

I


Seksyon D-am

II



Seksyon J-am

IIII


I

Seksyon C-am

IIIII-I

I

I

Kabuuang bilang

17

3

4


*Mga dahilan ng mga estudyante kung bakit dapat walang nakatakdang uniporme sa unibersidad.

Mga seksyon

MagastoS

Kompor- table

Nakaka- sawa

Kalayaan

Seksyon A-am




II

Seksyon B-am





Seksyon D-am

IIII

II

I


Seksyon J-am

I

II


I

Seksyon C-am




I

Kabuuang bilang

5

4

1

4




Mga seksyon

Pangit ang kalidad

Pangit ang stilo

Wala sa ibang unibersidad

Seksyon A-am

II

I

I

Seksyon B-am




Seksyon D-am




Seksyon J-am




Seksyon C-am




Kabuuang bilang

2

1

1





B. Pag-aanalisa at Pagsusuri sa pag-aaral


Ang mga manaliksik ay gumawa ng isang sarbey ukol sa pagkakaroon ng uniporme sa unibersidad, ika-13 ng marso sa Kolehiyo ng Komersyo. Ang mga kalahok sa sarbey ay pawang mga pang-umagang estudyante mula sa unang taon ng Kolehiyo ng Komersyo. Sila ay ang mga seksyon 1-Aam, 1-Bam, 1-Cam, 1-Dam, at 1-Jam. Kalahati ng kabuuang bilang ng mga estudyante sa bawat limang seksyon na ito ang kakatawan sa naturang sarbey.

Dito ay tinanong ang mga estudyante kung ano ang mas mabuti, ang mayroon o walang nakatakdang uniporme, kung may epekto ba o wala ang pagkakaroon ng uniporme sa unibersidad at kung ano sa tingin nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng uniporme.

Ang ilan sa mga estudyante ay may higit sa isang kahalagahng ibinigay kaya’t mapapansing may mga higit pa sa dalawampu ang mga mga kahalagahan sa bawat seksyon. At ilan din naman sa mga mag-aaral ay nagbigay ng higit pa sa isang dahilan kung bakit hindi sila sumasang-ayon sa pagkakaroon ng uniporme kaya’t lumalabas din mas marami ang mga dahilan kaysa sa inaasahang bilang. Ang mga nasuri ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod, una ay sa bawat seksyon mas marami ang sumasang-ayon sa pagkakaroon ng uniporme, pangalawa ay mas marami din ang nagsasabing may epekto ito sa Unibersidad, at pangatlo, ang pinakadahilan at kahalagahan ng uniporme para sa mga estudyanteng ito ay ang pagkakakilanlan o "identity".


V. Buod ng Pananaliksik

Ang ilang unibersidad ay may mga ipinapatupad na patakaran at isa na doon ang pagsuot ng nakatakdang uniporme. Mahigpit itong sinusunod sa bawat Kolehiyo ng mga Unibersidad na ito. May mga nakalaang parusa ang bawat unibersidad na may ganitong patakaran. Ang may mga ganitong patakarang Unibersidad ay halos nagkalat na sa buong mundo. Sa bansang Pilipinas , isa na ang Unibersidad ng Santo Tomas na may ganitong patakaran. kaya nama'y nagkaroon ng pag-susuri ang mga mananaliksik sa paraang sarbey at panayam upang malaman ang mga saloobin at opinyon ng mga estudyante sa Kolehiyo ng Komersyo mula sa pang-umagang sesyon ng mga taga-unang taon.



VI. Konklusyon/Rekomendasyon

Nang matapos ang pananaliksik, napagtanto ng mga mananaliksik na ang karamihan pa rin ng mga estudyante ay may pagsasang-ayon sa pagkakaroon ng unibersidad at nagsasabing maganda at malaki ang epekto nito sa isang unibersidad. Sa katunayan nito ay walumpu't-dalawa sa isang daang mga estudyante ay nagsasabing dapat magkaroon ng uniporme sa unibersidad at siyamnapu't-lima naman sa parehong isang daang mga estudyante ang nagsasabing may epekto ito. napagtanto rin ng mga mananaliksik na nalalaman ng madami sa mga estudyante ang kahalagahan ng pagkakaroon ng uniporme at ang pinakadahilan o pinakapinili nilang kahalagahan ay ang pagkakakilanlan 0 "identity". Pinatunayan ito ng limangpu't-dalawang pagsang-ayon mula sa mga parehong estudyante.


Mga Sangunian:

  • Mcregor,Alan. “Uniform Policy-OFM”.Available:http://www.murdoch. edu.au/ofm/policies/uniformpolicy.html”[Accessed:February 18, 2008]
  • Na. “Uniform/work clothing agreement between the university of wisconsin and wisconsin stateemployees”.Available:http://www.uww.edu/Adminaff/hr/uniform.html.[Accessed:February 18, 2008]
  • Na. “Scholl Uniform”.Available:http://www.ndmu.edu.ph/services/uniform.html.[Accessed: February 18, 2008]
  • Na. "College of Commerce Guidelines on Uniform and Dress Code".2006
  • Santos, J.B. English-Filipino/Filipino-English Dictionary. Mandaluyong: National Bookstore Quad Alpha Centrum Bldg.2007

Appendices:












No comments: